Chapter 6 - His Property

~oOo~

Nakaupo ako ngayon sa labas, sa may Garden, si Manang Minda naman ay nasa loob. Gagawa raw siya nang pang meryienda namin. Haplos-haplos ko ang t'yan ko na sobrang laki na, palagi ko siyang kinakausap at kinakantahan tapos bigla nalang siyang sisipa. Kapag sumisipa siya ay napapahagikhik ako, gusto niya siguro ang ginagawa ko. Baka paglaki nito ay maging soccer player siya? Ay! Babae pala siya, pero meron din namang soccer player na babae, 'di ba?

"Mikaela!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin, si Mang Mario pala, ang driver ni Angelo. Ngumiti ako sa kanya, si Mang Mario pala ay bagong driver ni Angelo. Mga tatlong buwan palang itong nagtatrabaho sa kanya. Kapag wala siyang ginagawa ay palagi siyang pumupunta rito para dalawin ako, palagi niya rin akong dinadalhan ng mga prutas at bulaklak. Napakabait talaga niya, para ko na nga siyang tatay eh!

"Magandang umaga po sa inyo!" Magiliw na bati ko sa kanya. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko.

Ang laki-laki na ng t'yan no, para kang nakalunok ng pakwan." Natatawang biro niya sa akin.

"Oo nga po, eh! Walong buwan na po kase, natural lang naman daw po ito." Sabi ko sa kanya.

"Halika na, pasok na tayo. Luto na ang meryienda sabi ni Minda, may dala akong prutas para sa iyo." Nakangiti nitong sabi sa akin, inalalayan niya akong maglakad kase medyo nahihirapan na kase ako, ang bigat na ng t'yan ko tapos hindi ko pa masyadong makita ang dinadaanan ko.

"Salamat po. Kain ka rin po dito, huh?" Sabi ko.

Tumango ito sa akin. Naabutan namin si Manang Minda na naghahanda na ng juice sa dinning table.

"Nar'yan na pala kayo.Hay nakung bata ka, Mikaela. Sabi ko naman sayo na dito ka nalang sa loob para hindi ka mahirapan maglakad, isang buwan nalang at manganganak ka na." Mahabang litanya ni Manang Minda sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya, pinaupo ako ni Mang Mario sa bakanteng upuan.

Parang kailan lang, ang bilis talaga ng panahon. After one month ay manganganak na ako.

"Dapat daw po kase Manang, eh maglakad-lakad daw kapag malapit ng manganak. Nabasa ko po iyon sa isang libro. At tsaka, exercise rin po iyon." Paliwanag ko naman sa kanya.

Nilagyan ni manang ng turon ang plato ko, bigla akong naglaway. Parang ang sarap-sarap tingnan ng turon. Kinuha ko kaagad ito at sinubo.

Wow! Ang sarap nga! Sinawsaw ko pa iyon sa condensada.

"Pati sa pagkain, dahan-dahan lang at baka mabilaukan ka. Jusko naman, Anak! Ako'y nininerbyos sa'yo, eh." Narinig kong tumawa ng mahina si Mang Mario, tila aliw na aliw sa aming dalawa ni Manang Minda. Ngumiti lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain ko nang turon. Napakasarap talaga nito! Para akong matakaw.

Kinagabihan ay naghanda na kami ni Manang ng hapunan naming dalawa, oo dalawa lang kami. Hindi naman umuuwi si Angelo para kumain dito sa bahay niya.

"Anak, ako na d'yan. Pumirme ka nga sa isang sulok! Baka mapano ka pa d'yan sa kakagalaw mo!" Sabi ni Manang sa akin.

Napalabi ako. Paano ako pipirme sa isang sulok, eh gusto kong gumalaw-galaw, ayaw ko na palagi lang akong nakaupo at walang ginagawa.

Hindi na ako nagreklamo pa kay Manang at umupo na ako, total patapos narin naman siya sa kanyang niluluto.

"Oh, ayan! Kumain na tayo, ipagtitimpla ba kita mamaya ng gatas?" Tumango ako kay Manang, nag-umpisa na kaming kumain ni Manang. Paminsan minsan ay kinakausap niya ako.

"Yaya."

Pareho kami ni Manang na napalingon sa boses na 'yon, nakakagulat lang at narito siya ngayon. Ang aga pa, a?

"O, Angelo! Dito ka maghahapunan?" Gulat na tanong ni Manang sa kanya.

Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at nagpatuloy na sa pagkain, hanggang ngayon ay takot pa rin ako sa kanya. Hindi niya naman na ako sinasaktan katulad ng dati, ewan ko ba. Ayaw ko lang na nakatitig siya sa akin o ako sa kanya. Hindi ko narinig ang sagot niya kay Manang, pero nakita ko siyang umupo sa isa pang bakanteng upuan. Bigla akong nailang. Ito ang pinakaunang pagkakataon ko na makasama siya sa hapunan kaya naiilang ako, hindi ako sanay sa presensya niya.

"Mabuti nalang at napadami ang niluto ko ngayon, nasaan nga pala si Mario?"

Nakikinig lang ako sa usapan nila, hindi ako nag-aangat ng mukha. Patuloy lang din ako sa pagkain ko.

"In his room already, nakakain na siya." Tipid nitong sagot kay Manang.

Bakit pakiramdam ko ang hirap lumunok ng pagkain ngayon?

"Anak? Anong nangyayari sa'yo?" Napahawak ako sa dibdib ko. Hala! Ang sakit ng lalamunan ko, parang bumara ang kinain ko sa lalamunan ko. Nakita kong parehong napatayo sila Manang at Angelo, lumapit silang dalawa sa akin. May humagod sa likod ko. Naestatwa ako sa kinauupuan ko.

May kakaibang dalang init ang palad niya.

May ibinigay siyang tubig sa akin at agad ko namang ininom 'yon, nakaigting ang panga niyang nakatitig sa akin. Oo, nakatitig talaga.

Nang malunok ko na ang kinain ko ay napapikit ako. "S-salamat." Mahinang salita ko.

"Eat carefully." Sabi niya.

Bakit ba napakalamig ng boses niya tuwing kinakausap niya ako? Hindi ba pwedeng maging natural lang siya? O, baka 'yan talaga ang natural na boses niya kapag ako ang kausap niya? Napayuko ako, pinalalaruan ko ang mga daliri ko sa ilalim ng mesa.

"O-oo. Pasensya na." Mahinang sambit ko.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Galit na naman ba siya sa akin?

"Kumain ka na, Anak." Umiling ako. Nawalan na kase ako nang ganang kumain.

"Ayaw ko na po." Sumulyap ako kay Manang,

"Iinom nalang po ako mamaya ng gatas. Marami naman na ang nakain ko, Manang." Hindi man ako tumingin kay Angelo, alam ko naman na nakatingin siya sa akin.

"Sige, Hija. Sigurado ka bang nabusog ka na?" Pagtatanong niya sa akin. Tumango ako kay Manang. "Pwede na po ba akong pumasok sa kwarto?" Pagtatanong ko kay Manang.

Hindi ko alam kung bakit ayaw ko na malapit sa akin si Angelo. Hindi lang talaga siguro ako sanay na nasa malapit lang siya, palagi akong naiilang at parang natatakot ako. Isa narin siguro ang paraan niya nang pagtitig sa akin, para kase ang lalim-lalim niyang tumitig. Iba siya kung tumingin sa akin, parang hanggang kaluluwa ko, e nakikita niya, tapos the way he treats me. Alam ko naman na ayaw niya sa akin at galit din siya sa akin kaya sanay na ako sa pakikitungo niya sa akin, na malamig pa sa yelo.

"Okay, dadalhan nalang kita nang gatas mo sa kwarto." Tumango nalang ako sa kanya at dahan-dahang tumayo, hindi naman na ako mahihirapan na pumunta sa kwarto kase nasa baba lang ito, isa sa mga maids quarter sa bahay na ito.

Pagkapasok ko sa kwarto ay nagtungo ako kaagad sa maliit na cabinet kung saan nakaayos na nakalagay ang mga gamit at damit ko, kumuha ako nang pantulog ko. Binasa ko lang ang bimpo at ginawang pampunas sa katawan ko, pagkatapos ko ay nagtoothbrush na ako at nagbihis ng damit pantulog ko.

Pagkatapos no'n ay umupo ako sa pinakagitna ng kama, nakarinig ako nang mahihinang katok. Alam kong si Manang na iyon at hindi nga ako nagkamali. May dala siyang tray na may gatas at biscuit.

"Dinalhan na kita ng biscuit, baka magutom ka mamaya."

Inilagay niya ang tray sa maliit na mesa sa gilid ng kama, kinuha ko ang tasa na may gatas.

"Salamat, Manang."

Ininom ko na ang gatas na hindi na masyadong mainit, pagkatapos kong inumin iyon ay inilagay ko ulit iyon sa tray.

"Maagang matulog, Anak, huh?" Hinaplos niya ang buhok ko, ngumiti ito sa akin.

Sa tagal ng panahon ko na natili sa bahay na ito, si Manang ang tumayong nanay ko. Siya ang karamay ko palagi, siya rin ang nasa tabi ko kapag umiiyak ako at siya rin ang nagpapagaan ng loob ko.

"Opo naman po. Sweet dreams po." Nakangiting wika ko.

Tumayo na siya at naglakad na patungo sa pintuan pero, bago niya pa buksan ang pintuan ay nagsalita ito.

"Masanay kana kay Angelo, Anak. Alam kong mahirap dahil hindi maganda ang pakikitungo niya sa'yo noon, pero nakikita ko na pinipilit niya ring makisama sa'yo kahit na hindi halata." Sabi ni manang.

Hindi na ako nakapagsalita pa ng lumabas na ito. Siguro kailangan ko na ngang sanayin ang sarili ko sa kanya. Susubukan ko.

****

Naalimpungatan ako nang may maramdaman kong may humahaplos sa t'yan ko, nakaramdam din ako nang lamig. Nang iminulat ko ang mga mata ko ay may nakita akong nakaupo sa gilid ko at hinahaplos niya ang t'yan ko. Napatitig ako sa kanya.

Anong ginagawa niya rito?

"Did I wake you up?" Tanong niya. Nakatingin na pala siya sa akin.

"M-medyo." Nauutal at paos ko na sagot sa tanong niya. Tumikhim siya.

Napatingin ako sa relo na nakapatong sa maliit na mesa sa gilid ng kama. Alas dos na pala ng umaga.

Napakunot ang noo ko, kanina pa ba siya rito?

Hala! Nakakahiya! Ano kaya ang itsura ko habang natutulog? Humihilik kaya ako? Napahawak ako sa mukha ko, o 'di kaya'y tumutulo ang laway ko? Nakakahiya!

"I'm just checking on you, you can go back to sleep again."

A-ano raw? He's checking on me? Namula ako nang sobra.

"K-kanina ka pa ba nandito?" Pagtatanong ko.

Hinaplos niya ulit ang t'yan ko, kaya pala nakakaramdam ako nang lamig kase nakataas ang damit ko hanggang sa ibaba ng dibdib ko.

"Yeah. I'm checking the baby, too." Tumango nalang ako at ipinikit ang mga mata ko. Ang sabi ni Doktora Torres ay hindi dapat ako magpuyat, makakasama sa akin at sa baby.

Halos mapatayo ako sa gulat ng maramdaman ko ang paghalik ni Angelo sa t'yan ko, biglang na nagsitayu-an ang mga balahibo ko.

Ang init ng labi niya.

Alam kong namumula ako kahit hindi ko makita ang pisnge ko.

"Sleep well." Bulong niya sa t'yan ko.

Para ba sa bata 'yon? Bakit pakiramdam ko ay para rin 'yon sa akin?

Iwinaksi ko nalang sa isipan ko ang narinig ko. Siguro nga ay para lang talaga sa baby 'yon, at sana, umalis na siya, kase hindi ako makakatulog kapag narito siya sa loob ng kwartong ito.

Ibinaba niya ang damit ko at kinumutan ako. Ang akala ko na aalis na siya ay nawala, naramdaman ko kase ang paghiga niya sa tabi ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

Ano bang ginagawa niya? Bakit siya dito matutulog?

Rinig ko ang bawat paghinga niya at amoy na amoy ko rin ang mabango niyang pabango. Itinaas niya ang ulo ko at ipinaunan niya ito sa kanang braso niya, tumagilid ako. Hindi ako pala mura pero, shit lang! Napapamura ako sa isipan ko. Hindi naman siya lasing kase, hindi naman siya amoy alak. Naramdaman ko rin ang kamay niya sa loob ng damit ko, ipinatong niya ito sa t'yan ko.

Nakakapanibago.

Sa halos walong buwan kong paninirahan dito ay ngayon ko lang siyang nakita na ganito, parang gustong-gusto niya ang ginagawa niya. Parang gusto niya nang lumabas ang anak niya sa sinapupunan ko.

Ikalawang pagkakataon na pala, 'yong una ay noong nagpa-check-up ako kay Doktora Torres.

Wala akong narinig mula sa kanya, hindi siya nagsalita kaya ganoon din ako. Ayaw ko namang magsalita kase hindi ko gusto.

Naguguluhan man ay hinayaan ko nalang na ganito kami, na ganito siya sa akin. Siguro mas mabuti na rin ito, para mas mapalapit pa siya sa anak niya kahit na hindi ko pa ito iniluluwal. Nakabaon ang ulo niya sa batok ko. Rinig na rinig ko ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko, ramdam na ramdam ko rin ang matipuno niyang katawan na nakadikit sa likuran ko. Mahina siyang humihilik, nakatulog na pala siya kaagad, habang ako ay lahat napapansin. Mapakabog man ng dibdib ko, ang katawan niyang nakadikit sa likuran ko at pati ang paghigpit ng pagyakap niya sa akin.

Bakit pakiramdam ko ay ayaw niya akong bitawan? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi naman dapat ganito, 'diba?