His Property

His Property

Author:Novel Square Bookworm
Chapter: 50
State: complete
Views: 12K

Synopsis about His Property

I was just an ordinary girl until one unexpected night came. Nag-iisa nalang aka sa buhay, my parents died. I became independent. Wala akong masandalan maliban na lamang sa iilang kaibigan. I was forced, I cried. I was helpless but I need to be strong, kailangan kong maging matatag. But, until when? Hanggang kailan ko kakayanin ang lahat? Hanggang kailan ako masasaktan? Hanggang kailan ako magbabayad sa kasalanang hindi ko maintindihan kung paano ko ginawa? Nabuntis ako at ako ang sinisisi siya sa lahat, it was just a one night stand. Nalaman ko na lang na nabuntis na pala ako. He kept me inside his house but no one knows except sa kasambahay at driver niya.
Read more

All Chapters of His Property

Chapter One

Maaga akong nagising para magluto ng agahan namin. Wala siyang kasambahay kaya ako lahat ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Okay lang din naman sa akin, para naman may magawa ako rito sa bahay niya at parang bayad ko na rin ito sa pagtira ko rito. Pero ang sabi niya sa akin ay dadating daw mamaya ang yaya niya at siya ang makakasama namin sa bahay. Hindi naman kasi ako welcome rito ‘eh. Nandito lang naman kasi ako dahil sa bata. Oo, buntis ako ngayon. One month pa lang naman kaya hindi pa malaki ang tiyan ko."Good bye, honey. Thanks for last night." Napalingon ako sa narinig ko. Napakaiksi ng damit ng babaeng kasama niya na parang isang maling galaw lang ay makikitaan na ito. Nag-iwas kaagad ako ng tingin nang makita kong naghahalikan na silang dalawa.

Chapter Two

Pagkagising ko ng madaling araw ay magkatabi pa rin kami ni Angelo. Nakapatong ang kamay niya sa ilalim ng dibdib ko. Pareho kaming nakakumot na dalawa. Pinilit kong huwag maiyak ulit. Hindi lang kami sa kwarto ko gumawa nu’n. Dinala niya pa ako sa kwarto niya at ipinagpatuloy ang gusto niya. Ang akala ko ay matutulog na siya, pero nagkamali ako. Pinagsawaan niya ako…ang katawan ko.

Chapter Three

Kinahapunan, pagkatapos ng nangyari ay pumunta ako sa restaurant at nag-resign na. Hindi pa ako kaagad pinayagan ni Sir Seth, kasi kukulangin sila nang waitress, pero nagpumilit pa rin ako kasi ayaw ko nang mangyari ulit ang nangyari sa akin. Hindi ko itataya ang buhay ng bata sa sinapupunan ko. Dapat alagaan ko siya habang dala-dala ko pa siya. Ayaw ko na baka sobra pa ang abutin ko kay Angelo. Titiisin ko ang pansasamantala na ginagawa niya sa akin, pero hindi ang maltratuhin ako lalong-lalo na at may bata akong dinadala. Aalis din ako sa impyernong lugar na ito. Mag-iipon ako. Hindi ko alam kung paano pero 'yon ang gagawin ko. Kapag nakapanganak na ako ay aalis ako rito kasama ang anak ko. May mga naipon na rin naman ako ng kaonti, tapos may makukuha pa akong last pay. Malaki-laki narin 'yon.

Chapter Four

Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa pumunta si Sophia rito sa bahay ni Angelo at laking pasasalamat ko na wala pa siya kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nandito na siya. Baka magalit na naman siya sa akin at saktan niya na naman ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin mamaya. Kanina pa ako nananalangin na sana ay nagkausap na silang dalawa ni Sophia at sana ay okay lang sila, na sana siya na mismo ang nagpaliwanag sa sitwasyon naming dalawa. Ayokong masira ang kung ano man ang namamagitan sa kanila ng dahil sa dinadala ko ang magiging anak niya.

Chapter Five

Ilang buwan na ang nakalipas pero ganoon parin ang set-up namin ni Angelo, palagi siyang umuuwing lasing sa gabi, o 'di kaya'y umuuwi ng madaling araw na lasing. Sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin. Kahit na buntis ako ay ginagalaw niya pa rin ako at palagi niyang sinasabi kung gaano niya ako kinamumuhian. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Umiiyak lang ako kapag tulog o wala na siya. Sinubukan kong umalis, ilang beses kong sinubukan pero hindi ko magawa, hindi ko alam pero kapag aalis na ako ay palaging may pumipigil sa akin. Palagi rin akong napapaisip katulad ng: kung aalis ba ako ay mabubuhay ko ba ang batang dinadala ko? Magiging maayos kaya siya habang dinadala ko siya? Ano ang magiging buhay naming dalawa kapag nailuwal ko na siya? at marami pang iba.

Chapter Six

~oOo~ Nakaupo ako ngayon sa labas, sa may Garden, si Manang Minda naman ay nasa loob. Gagawa raw siya nang pang meryienda namin. Haplos-haplos ko ang t'yan ko na sobrang laki na, palagi ko siyang kinakausap at kinakantahan tapos bigla nalang siyang sisipa. Kapag sumisipa siya ay napapahagikhik ako, gusto niya siguro ang ginagawa ko. Baka paglaki nito ay maging soccer player siya? Ay! Babae pala siya, pero meron din namang soccer player na babae, 'di ba?

Chapter Seven

~oOo~Narito ako ngayon sa isang silid na may kulay pink at puti na pintura, marami ring mga stuffed toys dito. May crib na kulay pink, mga baby clothes, at mga iba't-ibang laruan. Umupo ako sa kama na may puting bed sheet. Parang prinsesa ang disenyo ng kwartong ito. Napakagandang tingnan ng kwarto, makikita mo talaga kung paano ito pinag-isipang gawin.

Chapter Eight

~oOo~Nasa isang private room na ako ngayon kasama si Manang at Mang Mario, pinakain nila ako para raw makabawi naman sa sakit at pagod ko kanina noong nanganak ako. Hindi pa namin nakikita ulit ang anak ko, ang sabi ni Dra. Torres ay mamaya dadalhin daw nila dito ang bata. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Angelo, hindi ko alam kung alam niya na na nanganak na ako. Siguro busy talaga siya kay Sophia, pero hindi ba pwedeng umuwi muna siya para makita ang anak niya kahit sandali lang? Hindi ba pwedeng ipagpaliban muna niya ang business nila ni Sophia para sa anak niya?

Chapter Nine

~oOo~Halos apat na buwan na mula ng naipanganak ko si baby M.A., 'yan ang pangalan ng anak ko. Si Angelo mismo ang nagpangalan sa kanya ng ganyan. Ang sabi ni Manang Minda sa akin ay abbreviation daw 'yun ng pangalan ni Angelo. Michael Angelo. Kaya M.A..

Chapter Ten

~oOo~Pagkatapos ng mga sinabi ni Angelo sa akin ay hindi na ako nagsalita pa, humahagulgol akong tumatakbo palabas ng Study Room at dumiretso sa kwarto ng anak ko. Nadatnan ko doon si Manang na nakaupo sa tabi ng anak ko. Nagtataka niya akong tiningnan at agad siyang lumapit sa akin.