Chapter 7 - His Property

~oOo~

Narito ako ngayon sa isang silid na may kulay pink at puti na pintura, marami ring mga stuffed toys dito. May crib na kulay pink, mga baby clothes, at mga iba't-ibang laruan. Umupo ako sa kama na may puting bed sheet. Parang prinsesa ang disenyo ng kwartong ito. Napakagandang tingnan ng kwarto, makikita mo talaga kung paano ito pinag-isipang gawin.

Lahat ng mga narito ay si Angelo lahat ang nag-asikaso, siya lahat mismo ang namili at pumili ng mga gamit. Sinigurado niya na magaganda ang mga gamit na narito at hindi delikado para sa bata, palagi rin itong nililinis kahit na wala pa namang gumagamit ng kwartong ito.

Malapit na akong manganak, next week na ang ibinigay na due date ni Dra. Torres, sa 28 daw. Meron pa akong apat na araw kase, 24 palang naman ngayon. Minsan nakakaramdam na ako nang pananakit ng t'yan ko, pero, ang sabi ni Dra. Torres natural lang naman daw ito.

Ang ginagawa ko nalang kapag medyo sumasakit ang t'yan ko ay kinakalma ang sarili ko. 'Yan kase ang turo ni Dra. Torres, inhale at exhale raw. Tapos maghu-hum ako nang kanta na paborito ko, tapos maya-maya lang ay mawawala na ito.

****

Ako lang ngayon mag-isa sa bahay ni Angelo kase, nasa isang importanteng business trip daw ito sa Palawan, si Manang naman ay nasa palengke kasama si Mang Mario. Sa totoo lang ay hindi ako pinayagan ni Manang na umakyat dito sa magiging kwarto ng anak ko kase, mahirap na raw ito sa kalagayan ko, tama naman siya. Ang laki-laki na talaga kase ng t'yan ko at kabuwanan ko na. Pero sadyang matigas ang ulo ko, kaya narito ako ngayon. Gusto ko lang naman makita kung gaano ito kaganda.

"Sana hindi mo manahin ang ang katigasan ng ulo ko, huh?" Nakangiti kong salita at hinaplos ang t'yan ko. Bigla akong napaigik ng bigla itong sumakit.

T-teka? Bakit kakaiba ang pananakit ng t'yan ko ngayon? Bakit parang mabibiyak ang t'yan ko? Hindi ganito ang nararamdaman ko nang mga nakaraang araw, sumasakit lang ito pero nakakaya ko pa. Bakit ngayon ay parang lalabas na ang anak ko? Ipinikit ko ang mga mata ko.

Malalim akong huminga.

Enhale..

Exhale..

Paulit-ulit ko itong ginawa, nagsimula narin akong mag hum ng kahit anong kanta na alam ko pero, walang epekto, mas lalo pa itong sumakit. Wala akong kasama sa bahay at wala rin naman akong cell phone para tawagan sila Manang o si Angelo, pero kahit na meron man akong cell phone, hindi ko rin naman alam kung ano ang mga numero nila.

"Anak? Lalabas ka na ba talaga? 'Diba sabi ni Dra. Torres ay sa 28 ka pa lalabas?" Pigil hininga kong salita, napaungol ako nang mahina ng mas sumakit pa ito.

Maingat akong tumayo habang hawak-hawak ko ang t'yan ko. Ang sakit ng balakang ko, pero sumubok pa rin akong maglakad. Kailangan kong makababa. Kumakapit ako sa mga bagay na pwede kong kapitan, katulad ng pintuan, mesa at kung ano pa na pwede kong makapitan. Kung pwede lang sana ay gumulong nalang ako pababa eh.

Laking pasasalamat ko nang makababa ako nang hindi nadidisgrasya, naglakad pa ako. Lumapit ako sa telepono, may nakita akong directory. Pero hindi ko naman alam kung sino ang tatawagan ko, hindi ko alam kung ano ang pangalan ng kompanya ni Angelo, at isa pa, nasa importanteng business trip siya, baka kapag tumawag ako sa kanya ay magalit pa iyon. Lumabas nalang ako, binuksan ko ang gate.

"T-tulong." Sigaw ko na hindi naman kalakasan, nawawalan na ako ng lakas.

Napatingin ako sa pang-ibaba kong katawan ng maramdaman kong may basang dumadaloy sa hita ko. Pumutok na ang panubigan ko!

Halos maiyak na ako sa sakit.

"Ahhhh. T-tulong! T-tulong!" Napaupo na ako sa labas ng gate.

Nagdadasal ako na sana ay umuwi na si Manang para madala na ako sa hospital.

"B-baby, kapit ka muna, please." Naiiyak kong sabi.

Sa Hindi kalayuan at may nakita akong kotseng papalapit dito. Kinaway-kaway ko ang kamay ko para makita niya ako, mahina lang ang pagmamaneho niya. Mukhang hindi niya ako nakita kaya sumigaw ako.

"Tulong po!" Sigaw ko, nakabukas ang bintana ng kotse at may kausap ito sa kanyang telepono.

"Tulong po!"

Nahihirapan na akong sumigaw at kanina pa ako nagpipigil. Gusto ko naring umiyak sa sobrang sakit.

Kumunot ang noo ng lalaki sa drivers seat at lumingon sa akin. Nang makita niya ang sitwasyon ko ay agad nitong itinigil ang pagmamaneho, bumaba siya at lumapit sa akin.

"T-tulungan niyo po ako, m-manganganak na a-ako." Hirap na hirap kong salita.

"I'll call you back." Sabi niya sa kausap sa telepono niya. Inilagay niya ang telepono niya sa bulsa.

"T-teka! Nasaan ang asawa mo? Wala ka bang kasama rito?" Taranta niyang tanong sa akin, pumikit nalang ako.

Sobrang sakit na talaga ng t'yan ko. Naramdaman ko nalang na umaangat ako, binuhat na niya pala ako. Dali-dali niya akong ipinasok sa loob ng kotse niya.

"S-sa St. Luke's mo a-ako dalhin. Pakihanap si Dra. Torres. Maraming s-salamat." Nahihirapan kong sabi.

Tumango ito sa akin at binuhay ang makina ng kotse niya. Mabilis ang pagpapatakbo niya, ako naman sa likod ay pilit na kinakalma ang sarili.

"Malapit na tayo, konting tiis nalang." Natataranta niyang sabi. Tumango ako sa kanya.

Hindi nga nagtagal ay nakarating na kami sa hospital, ni park niya ang kotse niya sa tapat mismo ng hospital. Dali-dali itong bumaba at binuhat ako.

"Nurse! Nurse!" Malakas na sigaw niya.

May mga lumapit sa aming mga nakaputi, ang iba ay may hila-hilang stretcher. Marahan niya akong inilapag doon.

"Please look for Dra. Torres, I think she's her OB." Sabi niya sa babaeng nurse na nasa gilid ko.

Ipinasok nila ako sa isang kwarto.

"Miss, I'll be staying outside, okay? Wala ka ba talagang taong pwedeng ma contact? How about your husband?" Nag-aalalang wika nito.

"Meron naman, k-kaya lang wala akong number nila at t-tsaka wala akong asawa."

Kumunot ang noo niya. Siguro ay nagtataka ito sa mga sinabi ko.

"Mikaela! Oh goodness! I didn't expect na manganganak ka ngayon!"

Pareho kaming napalingon ng lalaking tumulong sa akin. Narito na si Dra. Torres. Nakasuot ito ng kulay puti na abot hanggang tuhod niya, may gloves narin ito at may dala-dalang face mask. Lumapit kaagad ito sa akin at ni check ako.

"Nasaan si Angelo? At sino ka?" Takang tanong nito.

Tumingin siya sa lalaking tumulong sa akin. Kahit ako at Hindi ko siya kilala.

"I am Zeus Mondragon, I. Nakita ko siya sa labas ng gate nila kanina." Magalang na salita nito.

Tumango lang si Dra. Torres at may kung anong mga gamit na inaayos, "kailangan mo ng lumabas." Sabi ni Dra. Torres sa lalaking nagngangalang Zeus Mondragon, I.

Hindi na ako nakapagpasalamat pa ng napasigaw ako ng malakas. Mas lalo pang sumakit ang t'yan ko, parang mas dumoble pa kanina. Ni bend ni Dra. Torres ang dalawang paa ko at naramdaman ko ang kamay niya sa ari ko. Parang hinahaplos niya ito. "10 cm ka na! I'll count up to 3, when I say push, you do it, okay? Kaya mo 'yan!" Sabi niya nag-umpisa na siyang magbilang, may tatlong babaeng nurse sa magkabila ko.

"Push! Push, Mikaela!"

Sinunod ko ang sinabi niya. Umire ako ng umire.

"Aaaah!" Sigaw ko.

"Malapit na! Nakikita ko na ang ulo ni baby. One more time, Mika. Push!"

Malalakas ang pagsigaw ko. Nararamdaman ko rin na may lumalabas na sa ari ko.

"Malapit na, kaunti nalang talaga."

Isang mahabang sigaw ang pinakawalan ko bago ko naramdaman na nailabas ko na ang anak ko. They cut the umbilical cord. Naluha ako nang marinig ko ang iyak ng anak ko.

Binalot nila ito ng puting lampin at pinahiga sa tabi ko, tiningnan ko siya. Napakaliit niya at napakaganda. Hindi ko napigilan ang umiyak, ang anak ko. Nakita narin kita sa wakas. Hinawakan ko ang maliliit niyang kamay.

"Ano ang ipapangalan mo sa kanya, Mika?" Tanong ni Dra. Torres sa akin.

Ngumiti ako sa kanya. Tumutulo ang pawis ko sa mukha ko.

"H-hindi ko alam, pwede bang si Angelo nalang ang magpangalan?"

Ngumiti siya sa akin at tumango. "Oh my gosh! She smiled at you, Mika! She really looks like you, she has your dimples too."

Napangiti ako sa anak ko. Totoong ngumiti ito at lumabas ang dalawang dimples niya sa magkabilang pisnge, parang sa akin din. Dalawang malalim na dimples na bumagay sa mataba at namumulang pisnge niya. Ang nakuha lang ng anak ko sa ama niya ay ang kulay ng balat niya, parang snow ito. Kumikintab sa pagkaputi at namumula. Nakuha niya rin ang kilay nito na perpekto ang korte. Ang ilong niya na kay tangos ay sa ama niya rin nakuha.