Kanina pa ako hindi mapakali dahil sa pumunta si Sophia rito sa bahay ni Angelo at laking pasasalamat ko na wala pa siya kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nandito na siya. Baka magalit na naman siya sa akin at saktan niya na naman ako. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin mamaya.
Kanina pa ako nananalangin na sana ay nagkausap na silang dalawa ni Sophia at sana ay okay lang sila, na sana siya na mismo ang nagpaliwanag sa sitwasyon naming dalawa. Ayokong masira ang kung ano man ang namamagitan sa kanila ng dahil sa dinadala ko ang magiging anak niya.
"Hija, alas-syete na. Maghapunan na tayo” tawag sa akin ni Manang Minda. Pinagpahinga niya ako kanina sa isang bakanteng kwarto. Parang maliit na guest room iyon dito sa baba. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa kama at lumabas na ng kwarto. Sabay na kaming bumaba ni Manang. Nakahanda na ang mga pagkain.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay natapos na kami sa pagkain at ako ang nagpresinta na maghugas ng pinagkainan namin. Hindi naman na nag-abala pa si Manang na pigilan ako kaya ipinagpatuloy ko nalang ang paghuhugas. Pagkatapos kong mahugasan ang pinagkainan namin ay pumunta na ako sa kwartong tinutuluyan ko at humiga na. Nagbasa ako nang mga libro ko rito para madali akong makatulog, pero mag-aalas nuebe na ng gabi ay hindi parin ako makatulog.
Napapitlag ako nang makarinig ako nang malalakas na sipa sa pintuan at malalakas na katok mula rito.
"Open the door, damn it!" Tila nanlamig ako sa narinig kong boses. Galit na galit itong sumisigaw sa labas.
"Fuck!" Rinig ko ulit galing sa kanya.
Dumating na siya at base sa tono ng boses niya ay alam ko na galit na naman siya. Posible bang nagkausap na sila? Dahan-dahan akong bumangon at naglakad patungo sa pintuan, dahan-dahan ko itong binuksan.
Kung ano kagalit ang tono ng boses niya kanina ay mas galit pa ang hitsura ng mukha niya, itim na itim kung tumitig ang kanyang mga mata sa akin na animo'y isa siyang mabangis na hayop at ano mang oras ay kaya niya akong lapain.
Kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Hindi ito maganda.
"You bitch!” sigaw niya at marahas akong hinatak sa braso ko palabas ng kwarto.
"Aray!" napasigaw ako nang mabunggo ang tagiliran ko sa isang lamesa. Biglang nangilid ang mga luha ko sa magkabila kong mga mata. Shit! Ang sakit!
"Bitawan mo ako” pagmamakaawa ko sa kanya, pero tila bingi ito.
Hindi niya ako pinapansin sa halip ay mas binilisan niya pa ang paghatak sa braso ko. Sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa akin. Papunta kami sa kwarto niya. Anong gagawin niya sa akin? Mas lalo akong natakot sa pwede niyang gawin sa akin mamaya.
Nakita ko si Manang na mabilis na humahabol sa amin. "Diyos ko! Angelo! Anong ginagawa mo kay Mikaela? Bitawan mo siya! Nasasaktan siya, anak! Dinadala niya ang anak mo!” sigaw ni Manang sa kanya, pero hindi niya ito pinansin.
"T-tulong po, Manang" humihikbi kong sabi, para akong isang bata na nanghihingi ng tulong sa kanyang nanay. Hinuli ni Manang ang isa ko pang braso kaya napatigil si Angelo.
Marahas niyang tiningnan si Manang. "Stay out of this, Ya!" galit niyang sabi.
Umiling si Manang, nagpapahiwatig na ayaw niyang sundin si Angelo. Pero sadyang malakas si Angelo kaya malakas niyang hinatak ulit ang kabilang braso ko. Wala siyang pakialam kong ano man ang mangyari sa akin lalong-lalo na sa batang dinadala ko.
"M-manang!" umiiyak na sigaw ko. Tumakbo si Manang para sana habulin kami pero huli na kasi nakapasok na kami sa kwarto ni Angelo.
Marahas niya akong binitawan. "Buksan mo ito, Angelo! Anong gagawin mo kay Mikaela? Anak, pag-usapan natin ito! 'Wag mo siyang sasaktan. Buntis si Mikaela" malakas na sigaw ni Manang sa labas ng pintuan. Lumandas ang mga luha sa pisngi ko.
Lumingon sa akin si Angelo at ngumisi. "Wala ka na ngayong kakampi. You're stuck here now with me” sabi niya at galit na galit akong tiningnan.
"Pakiusap, paalisin mo na ako" umiiyak kong pakiusap sa kanya.
"And why would I do that? Now that she knows? F*ck! Ayaw na niya sa akin, because of that f*cking child you are carrying!" sigaw niya. Okay lang na ako ang murahin niya, pero ang batang ito na wala namang kasalanan? Napakasama niya!
"Sinabi ko naman na walang n-namamagitan sa atin, na n-nakikitira lang ako sa bahay mo. K-kakausapin ko siya, magpapaliwanag ako sa k-kanya. Pakiusap palabasin mo na ako” pagpapaliwanag at pakikiusap ko sa kanya habang umiiyak.
"Paliwanag? Damn it! Wala ka nang magagawa! Ayaw na niya sa akin kasi magiging ama ako ng isang bata na hindi ko naman ginusto! You planned this! You're a f*cking whore and a gold digger!" galit na sigaw niya.
Plinano? Hinding-hindi ako gagawa ng isang bagay na alam kong sa huli ay pagsisisihan ko. Kahit kailan ay hindi ko naisip na kumuha ng pera ng iba dahil alam kong mali iyon. Mas gugustuhin ko pang magdildil ng asin kesa gawin iyon! Noong gabing nangyari ang lahat ay noon ko lang siya nakilala. Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari ay sana hindi nalang ako sumama sa mga kaibigan ko. Ang gusto ko lang naman noon ay makapagtapos ng pag-aaral para mabuhay ako, kasi ako nalang mag-isa sa buhay. Sarili ko lang naman ang pwede kong asahan. Hindi ko kilala kung sino pa ang mga pamilya nila Mama at Papa, ni isang pinsan ko nga ay wala akong nakilala.
"P-pareho nating ginawa iyon kaya may kasalanan ka rin, hindi lang ak---." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana nang bigla akong bumagsak sa kama niya.
Ang lakas ng pagkakasampal niya sa pisngi ko. Mabuti nalang at hindi ako sa sahig bumagsak, baka pag nagkataon ay nalagay pa sa kapahamakan ang batang dinadala ko na sarili niya ring laman at dugo.
Napahagulgol ako nang iyak, sapo-sapo ko ang pisngi ko kung saan niya ako nasampal. "You're blaming me? F*ck you!" Napatayo ako sa kama kasi hinatak niya ako gamit ang buhok ko. Mahigpit niya itong hawak-hawak at sinabunutan ako. Umiyak ako nang umiyak. Gusto kong lumaban sa kanya, pero alam kong hindi ko kaya. Kapag lumaban ako sa kanya ay mas lalo pa siyang gaganahang saktan ako kaya ang magagawa ko lang ay umiyak at magmakaawa.
Bakit ba ako palagi ang sinisisi niya sa lahat ng mga nangyari? Paano naman ako? Paano naman ang tahimik kong buhay noon? Paano naman ako na ako mismo ang dumadala ng batang ito? Hindi rin ba nasira ang buhay ko? Oo, nagkamali rin ako pero hindi ko siya kailanman sinisi dahil alam kong pareho kaming nagkamali, isang pagkakamali na kailanman ay hindi mo matatakasan kasi may nabuong bata. Siguro, kung hindi ko gustong mabuhay ang bata ay baka nakatakas na ako sa gulong ito, pero hindi ko siya kayang patayin. Wala siyang kasalanan, naging bunga lang siya ng isang pagkakamali naming dalawa. Hindi kakayanin ng konsensya ko ang ipalaglag ang bata. Hindi ko kayang pumatay ng bata...ng sarili kong anak. Hindi ko ipagkakait sa batang ito na makita ang magandang bagay na ginawa ng maykapal para sa lahat, mamahalin ko siya higit pa sa sarili ko.
"You ruined my life! You ruined everything! Wala kang kwenta!" sigaw niya at itinulak niya ako.
Bumagsak na naman ako ulit sa kama niya. Ibinaon ko ang mukha ko sa kama niya at doon umiyak nang umiyak. Narinig ko nalang ang pagbukas at pagsara ng pintuan niya. Umalis na siya. Okay lang na saktan niya ako at hindi respetuhin bilang nanay ng anak niya, pero sana naman ay respetuhin niya ako bilang isang babae at tao.
Naninikip ang dibdib ko sa sakit at sama ng loob. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito sa akin? Hindi ba pwedeng tanggapin niya nalang ang lahat ng ito kagaya ng ginagawa ko? Kahit kasi pagbalik-baliktarin mo man ang mundo, nandito na ito. Hindi na namin maibabalik ang nakaraan, hindi na namin maitatama ang nagawa naming kamalian.
"Anak? Mikaela? Diyos ko!" Lumapit si Manang sa akin at mahigpit akong niyakap, hinahaplos niya ang buhok ko. Hindi ako umimik, umiiyak lang ako.
Tama 'to. Iiyak lang ako hangga't sa mawala ang lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman ko ngayon.
"Tahan na, anak. Maaayos din ang lahat. Kakausapin ko si Angelo na 'wag ka na niyang sasaktan dahil buntis ka at makakasama sa iyo ito."
Paano ako tatahan kung mismong mata ko ay ayaw tumigil sa kakaiyak? Pisikal at emosyonal akong nasasaktan. At paano niya naman mapapatigil si Angelo sa pananakit sa akin? Baka nga mas saktan niya pa ako para mawala na sa landas niya ang magiging anak niya sa akin. Kapag naipanganak ko na ang batang dinadala ko ay aalis ako rito, hindi ako papayag na saktan niya ang anak ko. Hindi ako papayag na mamulat sa karahasan ang anak ko. Okay lang na ako ang saktan niya, pero 'wag ang bata. Sana maisip niya na sarili niyang dugo at laman ang dinadala ko, na anak niya rin ito at sa halip na saktan niya ako at sisihin, sana ay mahalin niya nalang ang anak niya katulad ng ginagawa ko. Hindi ko pa man siya nakikita, pero alam ko na mahal na mahal ko na ang anak ko. At walang matinong ina ang papayag na saktan ang anak niya, lalo pa't sariling ama niya ang mananakit sa kanya.