Chapter 10 - His Property

~oOo~

Pagkatapos ng mga sinabi ni Angelo sa akin ay hindi na ako nagsalita pa, humahagulgol akong tumatakbo palabas ng Study Room at dumiretso sa kwarto ng anak ko. Nadatnan ko doon si Manang na nakaupo sa tabi ng anak ko. Nagtataka niya akong tiningnan at agad siyang lumapit sa akin.

"Anak! Anong nangyari? Sinaktan ka na naman ba ni Angelo? Sabihin mo sa akin!" Nag-aalala niyang tanong sa akin.

Mas malala pa ang ginawa niya sa akin! Para na niya akong pinatay sa kondisyun na gusto niyang mangyari!

Umiling ako kay Manang, hindi ko pa sasabihin sa kanya ngayon. Baka bukas kaya ko nang sabihin sa kanya, hindi ko alam.

"Anak, sabihin mo sa akin. Bakit ka umiiyak?"

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay na nanginginig sa takot, takot sa pwedeng mangyari sa akin. Ayaw kong iwanan ang anak ko rito, hindi sa wala akong tiwala kay Angelo. Alam ko namang mahal niya ang bata, kitang-kita ko ito sa mga mata niya kapag kasama niya ang anak niya, pero mahal na mahal ko rin ang anak ko at ayaw kong mawalay sa kanya. Sinong ina ba ng gustong mawalay sa naak nila? Siguro mayroong iba, pero hindi ako kabilang as kanila.

"W-wala talaga, Manang. Pakiusap po, p-pupwede po bang m-maiwan niyo po muna ako ngayon? P-please po." Pakiusap ko.

Gusto kong mailabas lahat ng mga mabibigat na nararamdaman ko ngayon sa dibdib ko, pero gusto ko munang makasama ang anak ko. Gusto ko lang umiyak mag-isa. May nakapagsabi noon sa akin na kapag daw nawalay ng anak mo sa'yo at kapag naiisip mo siya o nalulungkot ka ay hindi makatulog ang bata o di kaya'y umiiyak ito, ngayon na nalulungkot at nasasaktan ako, nararamdaman din kaya ni M.A. 'to?

"Nag-aalala ako sa'yo, Anak. Kausapin mo ako bukas, huh?"

Tumango lang ako sa kanya. Pagkalabas na pagkalabas ni Manang ay lumapit ako kaagad sa anak ko na mahimbing ng natutulog.

She looks like an angel, napakaganda niyang tingnan.

"A-anak nandito lang si M-mama. Hindi k-kita iiwan."

Hinalikan ko siya sa noo at tumabi sa anak ko. Hinawakan ko ang maliliit niyang kamay, hindi na ako nagulat ng humawak pabalik sa akin ang anak ko. Palagi niya itong ginagawa kapag hawak ko ang kamay niya. Mahigpit niyang hinawakan ang dalawang daliri ko. Parang sinasabi niya ring huwag ko siyang iiwanan.

Hindi kita iiwan, Anak. Mahal ka ni mama. Mahal na mahal.

Hindi ko maintindihan si Angelo, bakit ko pa kailangang iwan ang anak ko? Magsasama na ba sila ni Sophia kaya ayaw niya ako sa bahay niya? Hindi ko naman sila guguluhin, e, anak ko lang ang habol ko dito. Hindi siya o kung ano man. Ang anak ko lang. Kahit pa gawin niya akong katulong dito ay okay lang basta makasama ko lang ang anak ko araw-araw. Hindi rin naman ako makakapayag na hindi ako kilalanin ng anak ko na nanay niya, okay lang din sa akin na itago nila sa iba na ako ang nanay ni M.A., basta kikilalanin ako ng anak ko bilang nanay niya.

Ang totoong nanay niya na nagluwal sa kanya.

Sobra naman yata ang galit niya sa akin na pati anak ko ay ilalayo niya sa akin! Wala siyang karapatang kunin ang karapatan ko bilang ina ng anak ko dahil ako ang nagpakahirap na dalhin siya sa sinapupunan ko ng siyam na buwan. Ako ang nagluwal sa anak ko. Ako ang may mas karapatan sa kanya dahil ako ang nanay niya, oo siya ang tatay ni M.A. pero hindi ba't nagdadalawang isip pa siya kung siya nga ba ang tatay ni M.A. o hindi? How dare he! If he were saying that I ruined everything in his life, ako ba walang nasira sa akin? Kailangan ko pa bang ipamukha sa kanya lahat? Kailangan ko pa bang iisa-isahin ang mga bagay na nawala sa akin ng mangyari ang lahat ng ito?

Wala akong sinisising iba sa lahat ng nangyayari ngayon, pero sana naman maintindihan niya ako! Tao lang din naman ako katulad niya, na may puso, may damdamin at marunong masaktan! Hindi ako bato na kahit anong pukpok mo sa matigas na bagay o kahit durugin mo ay hindi nasasaktan at hindi nagrereklamo!

At sana maisip niya na isa akong ina, ako ang babaeng nagluwal sa batang inaangkin niya lang mag-isa. Ako ang mas nahihirapan sa sitwasyon namin. Hindi siya.

Hindi lang siya.

****

Kinaumagahan ay mugtong-mugto ang mga mata ko, ang bigat-bigat din ng ulo at buong katawan ko. Mabuti nalang at nandito pa sa tabi ko ang anak ko, gising na ito at pinaglalaruan ang damit niya. Tumagilid ako, nang makita ako nang anak ko ay ngumiti ito at humagikhik. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ito.

"Good morning, Anak ko!" Masayang bati ko sa kanya.

Inayos ko muna ang sarili ko at ang anak ko bago bumaba, papainitan ko siya sa labas. Maaga pa naman at wala pang masyadong mga kotseng dumadaan, hindi na ako pumunta sa kusina kung nasaan si Manang dahil alam kong tatanungin niya lang ako kung bakit ako umiiyak kagabi ng madatnan ko siya sa loob ng kwarto ni M.A.

"Sa labas lang kami ni M.A., Manong, papainitan ko lang siya." Sabi ko nang may humarang na dalawang guards sa amin ni M.A., ngayon marami ng nagbabantay dito?

Takot ba siyang itakas ko ang anak ko mula sa kanya? Kahit naman na tumakas ako ay wala akong mapupuntahang iba. At alam kong mahahanap niya naman ako kapag tumakas ako, mayaman siya, kayang-kaya niyang gawin ang lahat.

"Hi, Mikaela!" Ngumiti ako sa lalaking bumati sa akin.

"Hi, Zeus." Balik na bati ko sa kanya.

Pawis na pawis siya, may bitbit siyang mineral bottle sa kabilang kamay niya. Mukhang kagagaling niya lang sa jogging. Pagkatapos kung manganak kay M.A. ay nalaman ko na tatlong bahay lang pala ang pagitan ng bahay nila ni Angelo. Malaki ang bahay niya, parang kay Angelo rin. Magagara rin ang mga sasakyan niya, kaya hindi na ako nagtataka kung isa rin siya sa mga mayayaman na lalaki sa bansa.

Lumapit siya sa akin at ni wave ang kamay niya sa harapan ng anak ko, tila aliw na aliw naman ang anak ko sa kanya. Pinapatawa niya kase ito, panay naman ang tawa ng anak ko sa kanya.

"Ang ganda-ganda mo talaga, Baby! Mana sa nanay." Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.

Mabait si Zeus, magkaibigan na nga kaming dalawa eh.

"Oh! The father is glaring at me." Sabi ni Zeus.

Ngumuso si Zeus, sinundan ko naman iyon at nakita ko si Angelo na nakatayo sa gilid ng pintuan. Malamig niya akong tiningnan. Nag-iwas agad ako ng tingin.

"Alis na ako baka mamatay na ako sa titig niyang asawa mo." Natatawa niyang sabi sa akin.

"Hindi ko siya asawa." Sabat ko naman. Matagal niya ng alam na hindi ko asawa si Angelo, kaya hindi ko talaga alam kung bakit nasasabi niya 'yan sa akin.

"Okay. I know, but he is acting like a jealous husband." Umiling ako.

Acting like a jealous husband? Ganoon ba ang nakikita o nararamdaman niya kay Angelo? Edi sana hindi niya ako ilalayo sa anak ko. Kung umaakto siya bilang asawa ko sa kapag nar'yan si Angelo, anong tawag do'n? Pakitang tao?

But I know better. Hindi ganoon 'yon, dahil hindi dapat at hinding-hindi niya gagawin ang bagay na 'yon. May kasintahan siya na mahal na mahal niya, kung gusto niyang ipakita ang pagiging selosong asawa kapag may kausap itong ibang lalaki, kay Sophia lang 'yon at hindi sa akin.

"Namamalikmata ka lang siguro." Sabi ko nalang. Ngumiti siya sa akin.

"Lalaki ako, nagkaroon narin ako ng kasintahan at naranasan ko ng magselos. Believe me, I know better. Alam ko ang mga ganyang tingin." Ani niya.

Gusto ko pa sanang sumagot at sabihin sa kanya kung ano ang gustong mangyari ni Angelo ngayon, pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi niya dapat malaman.

"Pasok na raw po kayo sabi ni sir, Ma'am." Sabi ng isa sa mga nakabantay sa gate ng bahay ni Angelo. Tumango lang ako sa kanya, bumalik naman ito kaagad sa loob.

"See?" Sabi niya. Para bang sinasabi niya sa akin na tama talaga ang hinala niya, napailing na lamang ako.

"I'll see you when I see you, Honey." Pasigaw na salita ni Zeus.

Napaawang ang labi ko. Tinawag niya akong 'honey' Tumakbo lang ito paalis. Bumuga na lamang ako nang hangin.

"Pasok na tayo, baby. Papaliguan na kita." Lumakad na ako papasok sa bahay ni Angelo, pinagbuksan naman ako kaagad ng gate ng mga bantay.

Pagkatapos kong tanggalan ng mga damit at diaper si M.A. ay dumiretso na ako sa kusina, nakahanda na ang pampaligo ni M.A.

Pagkatapos kong paliguan si M.A. ay binihisan ko na ito, kinuha naman siya kaagad si Manang para makakain na ako ng breakfast. Naabutan kong nakaupo na si Angelo sa mesa at kumakain na ito, walang imik akong umupo at nagsimula ng kumain. Mga tunog lang ng kutsara at tinidor ang naririnig ko habang kumakain kami. Ni ultimo paglunok ko ay naririnig ko na sa sobrang katahimikan. Hindi ako sumulyap o tumingin man lang sa gawi niya, ganoon din naman siya sa akin.

Narinig ko nalanag ang pagtunog ng silya, tapos na siguro siya.

"Next time, if you'll just flirt with that bastard. Not in the front of my house and not with my childs presence." Malamig at mariing sabi niya.

Doon ako napaangat ng ulo ko, sumalubong sa akin ang matatalim na titig niya sa akin. Ganito rin ang mga tingin niya kanina. Nakakuyum din ang mga kamao niya, parang nagpipigil siya ng galit niya. Ilang segundo lang ang naging titigan namin at padabog na lumabas na ito. Naiwan akong nakatulala.

Flirting na pala ang pakikipag-usap sa kaibigan ngayon?

Dalawang araw na, isang araw nalang at matatapos na ang palugit sa akin ni Angelo. Buo na ang desisyon ko, hindi ako aalis. Luluhod ako ulit sa harapan niya kung kina-kailangan, hinding-hindi ko iiwanan ang anak ko. 'Yon ang pinakatamang gawin. 'Yon lang at wala ng iba. Kailangan ko na siya sigurong kausapin, papatulugin ko lang si M.A. at kakausapin ko siya. Baka naroon lang siya sa kwarto niya.

"Anak, may gusto ka bang sabihin sa akin?" Boses iyon ni Manang mula sa likuran ko.

Hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya. Napabuntong hininga ako. Kailangan ko na bang sabihin sa kanya? Siguro oo para naman mailabas ko ang sama ng loob ko kahit papaano.

"Gusto po akong umalis ni Angelo at iwan ang anak ko dito, sa kanya. Babayaran niya ako ng sampung milyun kapag umalis ako." Sabi ko. Bakas sa mukha ni Manang ang pagkagulat. Isang malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

"Hindi ko akalain na gagawin 'yan ni Angelo, anak. Hayaan mo at kakausapin ko siya. Hindi ito tama, Nanay ka pa rin ni M.A. at hindi mo dapat iwanan ang anak mo. Kailangan ka niya."

'Yan din naman ang sinabi ko kay Angelo, pero hindi niya naman ako pinakinggan.

"Sinabi ko narin po 'yan sa kanya, pero ang sabi niya kaya na raw ni Sophia ang maging ina sa anak ko." Paliwanag ko. Nakita kong umiling si Manang. Tumayo siya.

"Kakausapin ko siya ngayon!" Tumayo rin ako sa pagkakaupo ko.

Tulog narin naman si M.A. at tsaka, panahon na para ako naman ang lumaban para sa karapatan ko sa anak ko, panahon na para maging matapang. Hindi naman pwedeng si Manang nalang palagi ang magtatanggol sa akin.

"Ako na po Manang. Kakausapin ko rin naman siya ngayong gabi." Nag-aalala niya akong tiningnan. Tumango ako sa kanya. Kaya ko. Kakayanin ko.

Iniwan ko si Manang sa kwarto ng anak ko at naglakad na papunta sa kwarto ni Angelo, tatlong beses akong kumatok bago binuksan ang pintuan. Nakita ko si Angelo na nakaupo sa couch niya at may hawak hawak na baso na may kulay orange na likido sa loob nito.

"What are you doing here?" Malamig na salita niya

Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Matalim na naman ang mga titig niya sa akin. Ininom niya ang likido na nasa loob ng baso niya habang nakatitig parin sa akin. Napalunok ako.

"G-gusto sana kitang maka-usap, t-tungkol sa napag-usapan natin." Pinlit kong pinatatag ang boses ko pero alam ko, ramdam ko na may kaba ang bawat pagsambit ko sa mga salita.

"Are you ready to leave? Sabihin mo lang at ibibigay ko na sayo ang tseke at kung kulang pa sabihin mo lang."

Gusto ko na namang maiyak dahil sa sinabi niya, ngunit hindi maaari. Dapat matapang akong makipag-usap sa kanya. Dapat makita niyang sinsero ako sa gusto ko, dapat makita niya na hindi ako susuko para sa anak ko.

"H-hindi ako aalis, dito lang ako." Inilapag niya ang baso niya sa maliit na mesa at tumayo.

"Why not? Isn't it enough?" Umiling ako. Humakbang siya papunta sa akin.

"I remembered you said that night, gagawin mo ang lahat manatili ka lang dito."

Tumango ako. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Naaamoy ko na ang alak na iniinom niya kanina. Lasing na ba siya?

"You'll stay here, kahit na gagawin kitang parausan?"

Nangilid ang mga luha ko. Gagawin niya na naman ang dati, ang gamitin ako hangga't gusto niya. Ang saktan ako, ang pilitin ako na gawin ang isang bagay na ayaw na ayaw ko. Papayag ba ako? Madali lang namang takasan ang lahat ng ito eh, I'll get the money and leave this house, but, paano ang anak ko? Hindi ko makakaya kapag wala ang anak ko sa tabi ko. So this means I would rather choose to be his whore every night if he needs me? Paano si Sophia? Tiyak masasaktan siya kapag nalaman niya ang gagawin namin kapag pumayag man ako, tama na ang sakit na naramdaman niya ng malaman niyang buntis ako, pero ito? Alam kong mas masasaktan din siya, kase ang boyfriend niya ay nakikipagtalik sa na buntis niya.

Pero, paano naman ako? Hahayaan ko nalang ba na iwanan ang anak ko? Hindi. Hindi pwede. Sana mapatawad niya ako sa gagawin ko. Sana maintindihan niya kung bakit ko ito piniling gawin.

"S-sige." Nanginginig ang mga labi at katawan ko sa isinagot ko.

Oo, payag ako. Kahit na babuyin niya ako. Payag ako, kahit labag man sa kalooban ko ang gagawin ko. Lahat gagawin ng ina para sa anak niya, kaya niyang magsakripisyo o magbuwis ng buhay para sa anak niya.

Isa akong ina, at kaya ko ang lahat para sa anak ko.

Nakita ko ang pagngisi niya, nangingilabot ako.

"Why are you so scared? This will be very exciting."

Para sayo, oo, pero para sa akin hindi. Demonyo ka na binihisan para maging tao. Wala siyang katiting na awa para sa akin o kahit kaonting respeto man lang. Lumapit siya sa akin, puno na ng luha ang mukha ko. Umiyak na naman ako sa harapan niya, akala ko mapipigilan ko, hindi naman pala. Ako lang si Mikaela na nagtatapang-tapangan.

"Then, it's settled. We'll talk again tomorrow, but now, akin ka." Then he ripped my shirt into two.