Chapter 9 - His Property

~oOo~

Halos apat na buwan na mula ng naipanganak ko si baby M.A., 'yan ang pangalan ng anak ko. Si Angelo mismo ang nagpangalan sa kanya ng ganyan. Ang sabi ni Manang Minda sa akin ay abbreviation daw 'yun ng pangalan ni Angelo. Michael Angelo. Kaya M.A..

Doon ako palaging naglalagi sa kwarto ng anak ko kase hindi pwedeng wala ako sa tabi niya, doon din ako natutulog. Nagbe-breastfeeding pa ako hanggang ngayon, ang sabi kase ni Dra. Torres ay mas maganda para sa bata ang breastfeeding. Masustansya kase ang gatas ng isang ina.

Paminsan-minsan ay tumutulong din naman ako sa gawaing bahay, nakakahiya naman kung buong araw ay wala akong gagawin, at tsaka hindi naman ako sanay na nakaupo lang at nakabantay sa anak ko. Kaya ang ginagawa ko ay kapag natutulog ang bata ay tumutulong ako kay Manang Minda, minsan pinapagalitan ako ni Manang kase dapat daw ay nakabantay lang ako sa anak ko, pero nagpupumilit ako sa kanya kaya wala siyang nagagawa kundi ang payagan akong tumulong sa kanya.

Si Angelo naman ay maaga na siya palaging umuuwi para makasama ang anak niya, minsan nalang din siya umuwi ng late. Kadalasan nga ay naaabutan niya pa akong nagpapadede sa anak namin pero lumalabas din naman siya kaagad kapag nakikita niya ako sa loob ng kwarto ng anak namin. Palagi niya itong nilalaro kapag nasa bahay siya, minsan nga ibibigay niya na lang ito sa akin kapag gutom na si baby M.A. o 'di kaya'y inaantok na ito.

Ganoon pa rin naman kami. Walang pinagbago, walang kibuan, kagaya ng dati, pero pakiramdam ko ay nagbabago siya kapag karga-karga niya ang anak namin. Ibang Angelo ang nakikita ko. Isang responsableng ama ang nakikita ko kay Angelo, minsan nga napapangiti na lamang ako kapag nakikita ko siyang masayang-masaya kapag kasama niya ang anak niya. Palagi ko rin siyang nakikitang ngumingiti kapag karga-karga niya ang bata, tila siya ang nagbibigay kasiyahan kay Angelo at natutuwa ako roon. At least ay hindi siya galit sa bata, mas mabuti ng ganito. Kampante akong hindi niya sasaktan ang anak niya sa akin kase kitang-kita ko naman na mahal na mahal niya ang anak niya.

Natutulog ngayon si baby M.A., kakatapos niya lang dumede sa akin. Himala nga't nakatulog na si baby M.A. pero hindi pa dumadaan si Angelo dito, alas otso na ng gabi. Nakasanayan ko na kase na alas singko palang ay nasa bahay na siya at kapag late naman siyang uuwi ay nagpapasabi ito kay Manang. Siguro ay sobrang busy niya sa opisina kaya late na siyang uuwi at hindi na nakapagbilin kay Manang.

Humiga na ako sa tabi ng anak ko at inayos ang damit niyang bahagyang umangat dahil sa paggalaw niya. "Sleep tight, anak." Mahinang bulong ko at hinalikan siya sa noo.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kase naramdaman kong wala na sa tabi ko ang anak ko, tiningnan ko any crib niya baka kase inilipat lang ni Manang ang anak ko doon, pero walang laman ang crib niya. Ni try ko ring tingnan ang gilid ng kama baka kase nahulog siya, pero imposible siyang mahulog kase Hindi siya magalaw matulog at ni hindi pa nga siya marunong dumapa. Dali-dali akong bumaba. Panay ang kabog ng dibdib ko, ngayon lang ito nangyari. Kahit sino man sa bahay na ito ay hindi kinukuha ang anak ko nang walang pahintulot mula sa akin o kay Angelo.

"Manang! Manang!" Kinakabahan kong sigaw, alam kong wala dapat akong ikabahala kase narito lang naman kami sa bahay ni Angelo, pero nanay ako. Mawala lang ng isang saglit ang anak ko sa akin ay natataranta na ako. Tinakbo ko ang hagdan pababa, wala akong pakialam kung madapa man ako ngayon. Gusto ko lang makasiguro kung nasaan ang anak ko.

"Hija! Anong nangyayari sa'yo?" Takang tanong ni Manang sa akin. Nakasuot pa ito ng apron at may dala-dalang sandok sa kaliwang kamay niya.

"Bakit ka ba sigaw nang sigaw at halos isahing takbo mo lang ang hagdan?"

Huminga ako ng malalim kase hinapo ako sa kakatakbo, mataas ang hagdan kaya hindi na ako magtataka kung hapuin man ako ng sobra.

"S-si M.A., ang anak ko Manang. Wala na siya sa tabi ko pagkagising ko."

Kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay.

"Susmio! Akala ko kung ano na ang sinisigaw-sigaw mo. Ni hindi ka pa nga nakapaghilamos o suklay man lang." Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Napalabi ako. Tama nga si Manang, para akong napabayaan na bata. Bahagya pa akong namula ng mapansin kong pati bra ay wala ako. Tinawanan ako ni Manang, mas napalabi pa ako.

"Nasa hardin si baby M.A. kasama si Angelo, pinapainitan niya. Maaga pa siyang nagising kanina kase late na raw siya nakauwi, tulog na kayo nang bata kagabi ng madatnan niya kayo sa kwarto."

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Manang. Pranning lang talaga siguro ako. Napaupo ako sa pinakadulo ng hagdan.

"Hay nako! Magbihis ka na para makita mo na ang anak mo." Anito.

Tumayo naman na ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko.

"Pasensya na po, Manang. Hindi lang talaga ako sanay na wala ang anak ko sa tabi ko, ngayon lang po kase nangyari ito, na wala na sa tabi ko ang anak ko nang magising ako kanina." Paliwanag ko, ngumiti siya sa akin at hinubad ang apron niya.

"Bihis po muna ako, Manang." Sabi ko bago tumalikod at naglakad papunta sa tinutuluyan kong kwarto, 'yung isa sa mga maids room dito sa bahay ni Angelo.

Naligo na ako para malinis ako kapag hawak ko na ang anak ko, pagkatapos kong maligo ay umakyat na ako sa kwarto ng anak ko para iligpit ang kama. Naka itim na sleeveless lang ako at cotton shorts na abot hanggang kalahati ng hita ko ang haba, mas gusto ko ang ganito ang suot kase ang init ng panahon at para hindi na ako mahirapan kapag magpapadede ako sa anak ko. May inilagay din akong puting lampin sa balikat ko. Nagdala na ako nang damit at mga gamit ng anak ko para hindi na ako pabalik-balik sa kwarto niya.

Bumaba na ako, iniwanan ko ang mga gamit ni baby M.A. sa sala at dumeritso na sa Hardin, nakita kong buhat-buhat ni Angelo si M.A., pinapainitan niya nga ito. Naglakad ako palapit sa kanila.

"Uhm, alas otso na. Pwede mo nang ipasok si baby."

Lumingon ito sa akin, nakatalikod kase siya kanina sa akin. Lumapit siya sa akin at ibinigay si baby. Agad na yumakap ang anak ko sa akin at humilig sa balikat ko.

"Na miss mo si Mama, Anak? Good morning!" Nakangiti kong saad.

Naglakad na ako papasok sa bahay, nakasunod lang si Angelo sa akin.

"Papaliguan ka na ni Mama, huh? 'Wag kang malikot."

Hinubad ko ang damit ni baby M.A. pati narin ang diaper niya. Isinabit ko ang tuwalya ng anak ko sa balikat ko at naglakad na papunta sa kusina. Dito ko pinapaliguan ang anak ko, nakahanda na ang pampaligo niya. Alas otso palang kase ay pinapaliguan ko na siya kaya hinahanda na ni Manang ang pampaligo ng bata.

"Baby M.A.!" Tawag ni Manang sa anak ko, agad naman itong ngumiti kay Manang at naglililikot habang buhat-buhat ko.

"Paliguan mo na siya Anak at para makakakain ka na ng agahan, sabay nalang kayo ni Angelo."

Nilalaro laro pa ni Manang ang kamay ng anak ko at ang anak ko naman ay magiliw na humahagikhik ng mahina.

"Opo, Manang."

Binitawan na niya ang kamay ni M.A. kaya inilagay ko na si M.A. sa maliit na batya, pinaglaruan niya naman kaagad ang tubig. Hinahampas-hampas niya ang tubig kaya nababasa ako.

"Anak, 'diba sabi ni Mama 'wag malikot?" Kausap ko sa kanya.

Tumitig naman siya kaagad sa akin, akala mo ay naiintindihan niya ang pinagsasasabi ko. Ngumiti ito sa akin. Binilisan ko na ang pagpapapaligo sa anak ko at pumunta na sa sala, nandoon lang si Angelo nakaupo. Inilatag ko ang tuwalya niya sa sofa at inihiga si M.A., pinunasan ko ang buong katawan niya, nilagyan ko muna siya ng baby powder bago isinuot ang diaper at damit niya.

Hinahalikan ko ang leeg pati t'yan ng anak ko, "ang bango-bango naman ng anak ko! Pa kiss nga ulit si Mama."

Tuwang-tuwa naman si M.A. sa paghalik-halik ko sa kanya, nakikiliti siya siguro.

"Ayan! Tapos ng bihisan si Baby." Itinataas niya ang dalawang kamay niya at nagta-tongues out. Pinunasan ko ang laway niya sa gilid ng labi niya.

"Anak, kumain na kayo. Ako na ang magbabantay sa cute na baby na ito." Tumango ako kay Manang, tumayo na si Angelo sa pagkakaupo at naglakad na papuntang kusina.

Umupo siya sa kabisera ako naman ay sa kaliwa niya, tahimik lang akong kumakain at ramdam ko ang panaka-nakang pagsulyap ni Angelo sa akin. Naiilang man ay pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.

Kinagabihan ay nasa kwarto na ako nang anak ko, isinasayaw-sayaw ko siya para makatulog na siya. Buong gabi ay hindi pa nakakapunta o kahit silip man lang si Angelo sa kwarto ng anak niya, nakakapagtataka lang. Hindi naman na ako nagtanong kong bakit hindi siya nagagawi sa kwarto ng bata, baka mamaya ay iba pa ang isipin niya. Nilagyan ko ng maraming unan ang bawat gilid ni M.A. para hindi siya mahulog, hindi naman siya malikot matulog kaya kampante ako. Nakarinig ako nang iilang mahihinang katok, hinintay Kong magbukas ang pintuan, baka si Angelo lang.

"Anak?" Si Manang pala.

"Po?" Sagot ko nang makapasok na siya sa kwarto.

"Ako na muna rito, puntahan mo si Angelo sa Study Room niya. May sasabihin daw siya sa'yo."

Ano naman kaya ang sasabihin niya sa akin? Tumango ako kay Manang at lumabas na sa kwarto ng anak ko. Malapit lang naman ang Study Room niya dito, ng nasa tapat na ako nang pintuan ay kumatok ako nang tatlong beses at binuksan ang pintuan.

Nakaupo si Angelo sa swivel chair niya, nakaharap siya sa laptop niya at may hawak-hawak na papel sa kaliwang kamay niya. Nag taas agad siya nang tingin ng maramdaman niya ang presensya ko.

"I-ipinatawag mo raw ako?" Sinalubong ko ang mga malalamig niyang mga matang nakatitig sa akin. Bigla akong nangilabot sa pagkatitig niya sa akin.

"Sit down." Itinuro niya ang bakanteng upuan sa tapat ng mesa niya. Umupo naman ako kaagad. Mula ng manganak ako ay ngayon lang niya ako kinausap. May pinirmahan siyang maliit na papel na parihaba ang sukat. Kumunot ang noo ko.

"I'll go straight to the point." Paunang sabi niya. Tumikhim ito. "You can leave now, but you have to leave my child here. Ikaw lang ang pwedeng umalis, kailangan mong iwan ang anak ko sa akin."

Pakiramdam ko ay nawalan ako nang dugo sa buong katawan ko.

"Take this, ito ang bayad ng pagbubuntis mo sa anak ko. You can live peacefully using this money."

Inilagay niya ang maliit na papel sa ibabaw ng mesa, isa itong cheque at nakasulat doon ang halagang sampung million. Binabayaran niya ako para iwan ang anak ko sa kanya. Nangilid ang luha ko. Tinitigan ko siya, anong tingin niya sa akin? Walang kwentang ina? Na kayang iwan ang anak niya sa halagang isang milyon?

Sampung milyon lang ba ang halaga ng pagiging isang ina ko?

Tumayo ako at pinahid ang luhang pumatak sa pisnge ko, nakatitig lang siya sa akin.

"Kulang pa 'yan." Ngumisi siya sa akin. Ngising nang-iinsulto.

Pinigilan kong huwag maiyak, gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ako katatag, pero taksil ang luha ko. Masagana itong tumulo mula sa mga mata ko. Napakasakit ng ginawa niya. Ganoon na ba talaga kababa ang tingin niya sa akin? Na makukuha niya ako sa pera? Sa halagang sampung milyon?

"How much do you want? A billion? Name your price." Panghahamon niya.

Hindi ko alam kung gaano siya kayaman dahil hindi ko naman talaga alam sa kanya lahat. Mahina ang mga hikbi mula sa bibig ko. Lahat ng mga nagawa niya sa akin ay pinalagpas ko, lahat ng pananakit niya sa akin, pisikal man o emosyunal. Lahat ng mga masasamang salitang binitawan niya sa akin ay pinalagpas ko, pero iba na ngayon. Hindi na ito tungkol sa akin, tungkol na ito sa anak ko.

"Kahit ilang bilyun pa ang ibayad mo sa akin ay hindi mo mabibili ang pagiging ina ko, kaya sa'yo na ang pera mo!" Matapang na sagot ko.

Matalim niya akong tinitigan, pero hindi ako papatalo sa kanya. Ipaglalaban ko ang karapatan ko sa anak ko, hindi lang siya ang may karapatan sa anak ko, ako rin, dahil ako ang nanay ni M.A., ako ang nagluwal sa kanya sa mundong ito.

"I am the father, you don't own her! You are just her mother. Sophia can be a good mother to my daughter." Nagtatagis ang mga bagang niya habang nagsasalita.

I am just her mother.

Paulit-ulit na nagreplay ang mga salitang 'yun sa isip ko.

JUST?

Umiling ako. At may balak pala talaga siyang huwag ipakilala ang anak ko sa akin? Wala siyang awa! Unti-unti akong lumuhod, wala akong pakialam kung magmukha man akong kawawa sa kanya. Lahat isasakrispyo ko, lahat gagawin ko para sa anak ko.

"N-nagmamakaawa ako sa'yo, h-huwag... 'Wag mong gawin 'to s-sa akin. A-ayaw kong mawalay sa anak ko, g-gagawin ko ang lahat. K-kahit ano, w-wag mo lang ilayo ang a-anak ko sa akin." Nakatitig lang siya sa akin, ganoon din ako sa kanya. Puno ng pagmamakaawa ang aking mga mata. Gagawin ko lahat, kahit pa maging parausan niya ako, kagaya ng dati. Maging alipin niya o kahit ano basta makasama ko lang ang anak ko.