~oOo~
Nasa isang private room na ako ngayon kasama si Manang at Mang Mario, pinakain nila ako para raw makabawi naman sa sakit at pagod ko kanina noong nanganak ako. Hindi pa namin nakikita ulit ang anak ko, ang sabi ni Dra. Torres ay mamaya dadalhin daw nila dito ang bata. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Angelo, hindi ko alam kung alam niya na na nanganak na ako. Siguro busy talaga siya kay Sophia, pero hindi ba pwedeng umuwi muna siya para makita ang anak niya kahit sandali lang? Hindi ba pwedeng ipagpaliban muna niya ang business nila ni Sophia para sa anak niya?
Pero, mahal niya si Sophia, kaya nga galit na galit siya sa akin nang mabuntis niya ako, e. Makakaya niya kayang makita ang bunga ng maling nagawa namin araw-araw? Maaatim niya kaya na makasama ang anak namin araw-araw? Pero inayos niya ang lahat. Ang gamit ng bata, kwarto at kung anu-ano pa. Hindi niya naman siguro gagawin 'yon kung wala siyang pakialam sa anak niya, 'diba?
"Hija, mukhang malalim yata ang iniisip mo." Puna sa akin ni Manang, nasa tabi ko na pala ito.
Umupo siya sa isang stool malapit sa kama kung saan ako nakahiga.
"Iniisip ko lang po kung ano na ang mangyayari pagkatapos kong lumabas sa Hospital." Napabuntong-hininga ako. Hinawakan ni Manang ang kanang kamay ko at pinisil ito.
"Magiging okay na ang lahat, Hija. May anak na kayo, at alam ko na mas magiging responsable na ngayon si Angelo." Ngumiti ako ng pilit kay Manang, ang sinasabi niya ay walang kasiguraduhan.
Hinding-hindi ako magiging sigurado sa isang bagay katulad nito, lalo pa't hindi maganda ang naidulot ng nangyari kay Angelo at sa akin. Ni minsan ay hindi niya ako kinausap tungkol sa amin ng anak ko, anak namin, pinatira lang talaga niya ako sa bahay niya kase nabuntis niya ako. 'Yon lang 'yon at wala ng iba, hindi niya sinabi na kapag nakapanganak na ako ay magiging civil na kami sa isa't-isa para sa kapakanan ng anak namin.
O, 'di kaya'y manatili ako sa bahay niya kasama ang anak namin. Walang assurance, at hindi rin naman ako nag-e-expect. Baka kase sa huli 'yon pa ang dahilan na masaktan ako nang sobra, kapakanan ng anak ko ang nakataya ngayon. Hindi ang buhay ko, kase kung sa akin lang ay kaya ko, pero hindi ang anak ko. Wala pa siyang kaalam-alam sa nangyayari ngayon, at hindi niya iyon maiintindihan kung ipapaliwanag ko man ito ngayon sa kanya. Balang araw, kapag malaki na siya ipapaliwanag ko ang lahat sa kanya.
Hindi nalang ako nagsalita pa, maya-maya pa ay may kumatok sa pintuan. Hinintay ko itong bumukas para makita kung sino ang papasok. Iniluwa ng pintuan ang lalaking tumulong kanina sa akin, si Zeus Mondragon, I. May dala-dala siyang isang basket ng prutas at isang bouquet ng bulaklak.
"Hi, are you okay now?" May pag-aalala sa boses niya.
Ngumiti ako sa kanya at tinanggap ang bulaklak na bigay niya, tumayo naman kaagad si Manang at kinuha niya ang prutas at nagpasalamat. Inamoy ko muna ang bulaklak at ibinigay kay Manang.
"Okay lang ako, salamat pala, huh? Kung hindi mo siguro ako natulungan ay baka sa gilid ng kalsada ako nakapanganak." Ngumiti ito sa akin. Nakatayo lang siya sa gilid ng kamang hinihigaan ko.
"It's my pleasure to help you. Ngayon palang ay kinakabahan na akong mag-asawa." Tumawa ito ng mahina kaya napatawa narin ako.
"Nasaan nga pala ang asawa mo?" Puna niya. 'Diba sinabi ko na sa kanya na wala akong asawa? Baka nakalimutan lang niya.
"Wala ak---." Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko sana dahil naunahan na ako ni Mang Mario.
"Wala pa siya rito, Hijo. Pero parating na 'yon. May business trip pa siya kase sa Palawan."
Nanlaki ang mga mata ko. Ang Tinutukoy niya ay si Angelo na hindi ko naman asawa! At alam ko, kahit kailanman ay hindi mangyayari ang ganoong bagay sa amin ni Angelo. Kumunot ang noo ni Zeus.
"He doesn't know na manganganak ang asawa niya? Dapat nasa tabi siya ng asawa niya lalong-lalo pa't kabuwanan na niya." Sabat naman ni Zeus.
Sinilip ko si Mang Mario. Kung hindi ko lang siguro alam ang lahat ay maniniwala ako sa sinabi niya. Hindi ko kase makita na nag-aalangan siya o napipilitan sa mga sinasabi niya, parang totoo lahat, but I know the truth.
"Alam niya pero ang ibinigay na due date ni Dra. Torres ay dapat sa 28 pa siya manganganak, uuwi naman talaga ang asawa niya pagkatapos ng gagawin niya sa Palawan." Paliwanag niya naman.
Tumango na lamang si Zeus at ibinaling sa akin ang atensyon. Isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya para naman kahit papaano ay maniwala siya sa sinabi ni Mang Mario.
"Dito na muna ako, besides I wanna see your baby. I guess she looks like you, beautiful."
Palagay ko ay kasing pula ko na ngayon ang mansanas o 'di kaya'y mas mapula pa ako sa mansanas. Narinig kong tumikhim si Mang Mario. Nakakahiya! Ngumiti lang si Manang na ngayon ay nakaupo na sa couch, habang si Mang Mario ay nakatayo malapit sa pintuan at matamang nakatitig kay Zeus.
"H-hindi naman." Nahihiyang sabiko, narinig ko siyang tumawa.
"You seems shy. Your beautiful and kind, ang swerte ng asawa mo sa'yo. Siguro kong mas nauna kitang nakilala ay liligawan pa kita."
Napanganga ako, seryoso ba siya? Mas lalong uminit ang buong pisnge ko.
"Ehem."
Pareho kaming napalingon sa tumikhim at laking gulat ko na makita si Angelo sa tabi ni Mang Mario, seryoso ang mukha nito, pero ang mga mata niya ay kay bagsik kung tumingin, akala mo may kalaban lang sa paligid. Sinundan ko ang tingin niya at nakatitig pala siya kay Zeus, si Zeus naman nakipagtitigan din kay Angelo. Napalunok ako. Baka magalit na naman siya sa akin.
"Ahm, Zeus siya nga pala si Angelo." Pagpapakilala ko.
"Ang asawa niya." Sabat naman ni Mang Mario at halos mahulog ako sa kinahihigaan ko.
Sinabi niya 'yon habang narito si Angelo! Baka isipin ni Angelo na 'yon ang ipinapalabas ko! Galit pa naman siya sa akin. Gusto ko sanang sabihin na hindi totoo ang sinabi ni Mang Mario pero hindi ako makapagsalita. Anong gagawin ko? Si Angelo naman ay hindi komuntra sa sinabi ni Mang Mario.
"Hi, I'm Zeus Mondragon, I. Nakita ko kanina ang asawa mo sa labas ng bahay niyo, I helped her." Sabi niya.
Sumulyap lang ng mabilis sa akin si Angelo tapos nakipagtitigan ulit kay Zeus.
"She was helpless, back then buti nalang at nakita ko siya." Dugtong ni Zeus.
Hindi nagsasalita si Angelo, nasa bulsa niya lang ang isang kamay niya. Gano'n pa rin ang titig na ibinibigay niya kay Zeus. Galit na ba ito? Sana naman ay hindi.
"Hello! Ang tahimik niyo yata? O, Angelo! Mabuti naman at dumating ka na." Sa likod ni Dra. Torres ay may kasama siyang babaeng nurse at may karga-karga itong bata.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Nakalimutan ko na may namumuong tensyon sa pagitan ni Zeus at Angelo.
"Kung hindi ko lang alam ang totoo iisipin ko kanina na si Zeus ang anak ng batang dinadala ni Mikaela, he was so worried." Kumindat sa akin si Dra. Torres.
Bakit ba parang kay dali lang sa kanila magbitaw ng salita na mga gano'n?
"Shut up, Torres! I was in Palawan." May halong inis sa tinig nito.
"Yeah, with Sophia. Of course I know that." Masamang tinitigan ni Angelo si Dra. Torres.
"Hi, Mikaela. Here's your baby." Nakangiting sabi ni Dra. Torres, ibinigay ng nurse sa akin ang bata.
Napakaliit niya, parang isang maling hawak ko lang sa kanya ay mababalian na ito ng buto. Maluha-maluha akong nakatingin sa anak ko, nakahiga lang siya sa gilid ko. Hinaplos ko ang pisnge niya gamit ang hintuturo ko. Napakalambot ng balat niya, kasing lambot ng cotton candy. Napangiti ako. Natutulog lang siya pero ang mukha niya ay parang nakangiti, may gano'n ba?
"Baby." Sabi ko sa mahinang boses. Ayaw ko siyang magising, pero bigla siyang gumalaw. Nataranta ako bigla.
"Easy, Mika. She just moved, 'wag ka ngang mataranta." Natatawang sabi ni Dra. Torres.
Nakatitig lang ako sa anak ko. "Anak, ang ganda-ganda niya. Magkamukha nga kayo." Sabi ni Manang.
"She has her dimples too, Yaya. Mukhang nakuha niya lahat kay Mikaela, ilong lang yata at kaputian ang nakuha niya sa tatay." Sabat naman ni Dra. Torres.
Hinalikan ko sa noo ang anak ko at hinawakan ang maliliit na kamay niya. Para siyang manika. Ang ganda-ganda niya.
"Can I carry her?" Rinig kong salita ni Angelo.
"Syempre naman. Anak mo, eh." May halong pang-iinis ang boses ni Dra. Torres
Lumapit si Angelo sa gilid ko at maingat na kinarga ang anak niya, "h-hi, I am your father."
Mataman lang akong nakatitig kay Angelo habang karga-karga niya ang anak namin. He looks happy while carrying our child, pa sway sway pa ito at bahagyang nakangiti pa habang nakatitig sa anak namin.
"Ikaw ang magpapangalan sa anak niyo."
Napatingin si Angelo kay Dra. Torres, napataas ang kilay ni Dra. Torres sa kanya.
"Let's talk about that later, Torres." At ibinaling niya ulit ang atensyon sa anak niya. Bigla nalang itong umiyak, nagkatinginan si Dra. Torres at Angelo.
"Breastfeeding time na Mommy." Ani Dra. Torres.
A-ano? Hindi ko alam ang gagawin ko. Tumingin ako kay Manang Minda, nanghihingi ng tulong. Maingat na itinabi ni Angelo ang anak ko sa akin. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang anak ko.
"Ashh. Ayan na anak, tahan na." Pag-aalo ko sa kanya. May ibinigay sa akin si Manang na isang puting lampin.
"Ipangtakip mo sa dibdib mo, anak." Nahihiya ko itong kinuha at itinakip sa badang dibdib ko at mukha ng anak ko para hindi ako masilipan, bahagya ko naman itong itinaas para may hangin na makapasok.
"Eyes off, man!" Medyo tumataas ang boses ni Angelo, itinaas naman ni Zeus ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko ito. Ngumisi siya kay Angelo at sumulyap sa akin ng mabilis.
"Possessive, aren't you?" Natatawang sabi ni Dra. Torres.
Ipinikit ko nalang ang mga mata ko kase medyo masakit kapag dumedede ang anak ko sa akin.